6. Panalangin ng Nalilito
Panginoon naming Diyos
Hindi namin alam kung saan kami patungo
Ni hindi namin naaaninag ang daan sa aming harap
At lalong hindi namin batid kung saan ito magwawakas.
Mas lalong di namin alam ang aming mga sarili,
At ang katotohana’y hayag: hindi ibig sabihin na sinusundan namin ang Iyong ibig ay nakasusunod nga kami
Subalit naniniwala kami na ang pagnanasang sundin Ka ay siya ngang
nakapagpapaligaya sa Iyo
Inaasam naming hindi kami makakakawa ng anumang lilihis sa pagnanasang iyon.
At batid namin na kapag ginawa namin ito, ihahatid Mo kami sa tamang landas
Kahit hindi namin nahahalatang ito nga ang nangyayari.
Kung gayon, magtitiwala kami sa Iyo magpakailanman
Na mangyari ma’t mukha kaming naliligaw at nasa lilim ng kamatayan
Hindi kami matatakot,
Sapagkat palagi Kang nasa sa amin,
At hindi mo kami iiwan
Upang harapin ang aming mga panganib nang nag-iisa.
--Halaw at salin sa Panalangin ni Tomas Merton (1915-1968).

0 Comments:
Post a Comment
<< Home