Prayers for Keeps in Filipino

ito ay koleksiyon ng mga panalangin na magagamit ng mga taong nasa gitna ng aksiyon sa pagsusulong ng kapayapaan at ikapagbabago ng ating lipunan. para ito sa mga aktibista, madre, pari, imam, estudyante, guro, sundalo, duktor, pulitiko atbp.

4. Panalangin Para sa Ating Mga Kasapi

na Sumakalibang-Buhay at Yaong mga Naghihirap

Namumuno: Sumandali tayong manahimik at alalahahin ang mga kasapi nating sumakabilang buhay dahil sa pamamaslang o maagang pagkamatay at yaong mga buhay at kasalukuyang naghihirap.

[Maaring banggitin ang pangalan ng mga kasapi, hal. Ipanalangin natin ang mga kaluluwa nina Filomena Tatlong-hari, Marlyn Esperat, Popoy Lagman, etc. na nauna na sa atin…]

Ipanalangin natin ang mga kaluluwa nina…. at alalahahin natin sina…. (para sa mga buhay na nakakulong, nawawala, o pinahihirapan).


Para sa kanila na nagbubo ng kanilang dugo sa lupa nating tigmak ng kasaklapan at karimlan, upang umusbong ang puno ng pag-asa, manalangin tayo na huwag malagas ang mga dahon nito sa pamamagitan ng panghihina ng loob.

Para sa kanilang dumaan sa hirap at mga pagpapahirap, at hindi sumuko at bagkus ay nagpatuloy sa pakikibaka, manalangin tayo upang magkaroon tayo ng ganitong uri ng tapang at tibay ng damdamin upang ipagpatuloy ang kanilang mga nasimulaan.
Para sa kanilang hindi makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay ngayon dahil sa pagmamahal sa bayan, manalangin tayong maging mapagparaya at mapagpaubaya, upang manatiling nagniningas ang apoy ng pakikibaka at magbigay ng liwanag sa landas nating nadidiliman.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home